Part 7

Breeze

“Shocks! Paano ko ba lalapitan si Henry? O wag ko na lang kaya ibigay itong regalo ko?” rinig kong sabi ni Kim, kaklase ko. She’s thinking out loud again.

“Oy Kim! Damoves ba? Tara, tuturuan kita!” tawag ko sa kanya habang nilalagyan ko ng spray paint na black yung school shoes ko.

“Grabe, Bree! Ano yan? Ang adik mo!” sabi niya nang mapansin yung ginagawa ko.

“Sus. Para pagkatapos ng Christmas break, hindi ko na kailangang lagyan ng Kiwi ang sapatos ko. Tira lang naman itong spray paint. O di ba? Shiny pa!” sabay turo ko sa sapatos kong nangingintab na itim.

“Galawang Breezy pa more,” comment naman ni Margo na nagsusulat sa white board ng mga dadalhin para sa Christmas party bukas.

“Inggit ka lang! Hahaha!” Binalik ko ang aking tingin kay Kim. “Gusto mo kamong bigyan ng regalo si Henry di ba?” tanong ko. Si Henry ‘yung crush niya sa section Mulawin.

“Yup. Kaso nahihiya akong lapitan siya. Baka ipaabot ko na lang.”

“Ano ka ba, girl! Dapat personal! Sayang ang sparks, bahala ka.”

“Eh anong gagawin ko?”

Saglit akong nag-isip ng mga nakakakilig na senaryo. “Uhm kunwari nadapa ka sa hallway. Tapos tutulungan ka ni Henry. Tapos bilang pasasalamat, bibigyan mo siya ng regalo. Then itanong mo sa kanya kung alam niya yung kantang Give Love On Christmas Day. Iyon kamo kasi ang motto mo.” Kumindat pa ako para dagdag effect.

“OMG ‘di ko yata kaya iyon!” Aayaw-ayaw pa, kinikilig naman sa idea ko.

“Diskarte mo na ‘yan. Kung gusto mo, samahan mo pa ng love letter para kabog na kabog.”

“Ah parang ganto?” tapos may ipinakita sa akin si Kim na pulang sobre. ‘Yung hopeless expression niya kanina, napalitan bigla ng playful look. Teka parang galing ‘yung sobre sa bag ko ah! Nasa lapag kasi yung backpack ko at medyo nakasabog pa ang laman. Oo na, ang burara ko!

“Kanino ‘yan?”

“Duh? Sa’yo kaya. Di mo alam?”

“Ha? Patingin nga.”

Inabot ko ‘yung pulang sobre at nakitang nakasulat nga ang pangalan ko sa labas nito. Galing kaya ito kay Storm? O may iba na namang nabiktima ng alindog ko? Deep inside, hinihiling ko na sana galing sa kanya ito. Masakit umasa pero fudge, hindi ko mapigilan. Binuksan ko ang envelope saka ko binasa ang papel na nasa loob.

‘Hi, Bree. May gusto ako sa iyo. Matagal na. Halos apat na taon na siguro. Kaso hindi mo ako napapansin. May gusto ka kasi yatang iba. Kahit anong gawin kong pagkuha sa atensyon mo, parang binabaliwala mo lang. Kung malaman mo man kung sino ako, wag ka sanang magalit sa akin. Hindi naman kita pipiliting magustuhan mo rin ako. Kuntento na akong maamin sa iyo itong nararamdaman ko. Salamat sa pagiging inspirasyon. Salamat kasi nakilala kita. Salamat kasi sa simpleng pagngiti mo, napapasaya mo na rin ako. Naniniwala ka ba sa coincidence? Ako kasi hindi. Pero naniniwala ako sa destiny.’

Shems! Parang alam ko na kung sino siya! Pamilyar kasi ‘yung handwriting at isa lang naman ang kilala kong lalaki na puro destiny ang bukambibig. Ngayon, kailangan ko na lang makasiguro.

* * * *

Aero

Christmas party na. Nandito kaming buong Narra sa room, nag-eexchange gift. Pa-chain yung ginagawa namin, kapag nabigay na ‘yung regalo mo, ikaw naman ang mag-aabot ng regalo sa iyong monita o monito. Kay Ced nagsimula dahil siya ang president. Marami-rami na rin ang nakapagbigay at nabigyan na pero ako hindi pa.

“Guys, sino na lang wala?” tanong ni Ced. Nagtaas naman ako ng kamay.

“O Bree! Aero! Kayo na lang palang dalawa.” Nagulat ako. Si Bree ang monita ko kaya ibig sabihin ako rin ang monito niya?

Tumayo na kami at pumunta sa platform habang nangangantyaw ang mga kaklase namin. Ibang klase. Pinagtitripan yata kami ng tadhana.

“Oy message muna!” sigaw ni Margo.

Tumingin naman ako kay Bree at inabot sa kanya ang regalo ko. Puting statement shirt yung nasa loob nun, na may nakalagay na ‘Maganda’ sa gitna.

“Merry Christmas. Happy four years. Apat na taon na tayong magkaklase, hindi mo pa rin ako pinapakopya sa exam,” biro ko. Nakakailang ito. Minsan na lang kasi kami magkausap dahil nga iniiwasan ko siya.

“Asa. Hindi ako nagpapakopya noh. Pero happy four years din.” Nakangiti niyang binigay ang kanyang regalo. Naghiyawan pa ‘yung iba. Mga timang. Haha.

Nagthank you kami sa isa’t isa at saka kami bumalik sa kanya-kanya naming upuan. Tinignan ko ‘yung nakalagay na card sa binigay ni Bree. Pero tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ko nang mabasa ko ang nakasulat.

‘To: Aero

Merry Christmas! Iwas-iwas ka pa! May gusto ka naman pala sa akin! Tsk. Naunahan mo akong umamin.

From: Destiny Mo’

Hindi ko mapigilang mapangiti. Tangna! Hayup! Totoo ba iyon?

“Sabay-sabay tayong magbukas ng regalo! In one, two, three!” Pagkasabi ni Ced nun, binuksan na nga naming lahat ang aming mga natanggap.

Nagulat ulit ako. ‘Yung binigay kasi ni Bree, isang black na statement shirt na may nakalagay na ‘Pogi’ sa gitna. Tumingin ako sa kanya at nakitang nakatingin din siya sa akin. Medyo natawa ako. Para kasing couple shirt ‘yung regalo namin sa isa’t isa.

Huminga ako nang malalim bago ko siya nilapitan.

“Nabasa mo?” tukoy ko sa pulang sobre na nilagay ko sa bag niya nung isang linggo. Tumango naman siya bilang sagot.

“Pano mo nalamang… sa akin galing yun?”

“May nakakita sa iyo g*go,” sabi niya na may halong pang-aasar.

“Eh eto?” pinakita ko ‘yung gift card, “Totoo ba ito?”

Nagtaka ako nung may nilagay siya sa palad ko at saka sinabing, “Yan naman ang akin. Pero sa’yo na lang.”

Tinignan ko kung ano ang nilagay niya sa kamay ko tapos nakita ko ang isang bato. Korteng puso din pero iba ito sa batong binigay ko sa kanya dati. Kahit hindi niya direktang sabihin, nalaman ko na ang sagot niya. Parang tumatalon tuloy ngayon ang puso ko sa saya.

“Woot woot! Iba talaga ‘pag galawang Breezy!” sabi ni Margo na kanina pa palang nasa gilid at pinapanood kami.

Natawa naman ako kaso naisip ko ‘yung asungot. “Pano si Storm?” tanong ko kay Bree.

“Hmm. Crush ko siya.” Napasimangot ako. Pero may karugtong pa pala ang sinasabi niya. “…dati,” at saka niya ako hinampas sa balikat. “Selos ka naman agad! Hahaha!”

“Akala ko pinapaasa mo lang ako eh,” bulalas ko habang napapailing.

“Sus,” lumapit siya sa tenga ko para bumulong, “Akala mo rin ba nakalimutan kong hinalikan mo ako? Panagutan mo ako hoy.” Pareho kaming natawa dahil doon. Si Bree talaga.

“Siyempre naman. Destiny kaya tayo.”

-END-

A/N: Thank you for reading this story! I hope I made you smile in my little ways. 🙂

 

Advertisements

2 thoughts on “Part 7

  1. Pingback: Part 6 | yuanderwoman

  2. Pingback: Galawang Breezy | yuanderwoman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s