2: Mahalin

Sa akin mo isabit ang pangarap mo
Di kukulangin ang ibibigay
Isuko ang kaba, tuluyan kang bumitaw
Ika’y manalig, manalig ka…  

* * * *

Malalim na ang gabi at tanging tunog na lang ng mga kuliglig ang maririnig. Binabantayan ko ang natutulog na si Shin. Napakagwapo pala niya—hindi na nakapagtatakang bagay kami (kasi maganda ako, promise). Nakapanghihinayang nga lang na hindi na magtatagpo ang aming mga landas.

“Please, gumising ka…”

Naalarma ako nang bigla siyang nagsalita habang nakapikit. Tila nagmamakaawa ang kanyang boses at nasa bingit na ng pag-iyak. Hindi nagtagal, nagsimula na nga siyang humikbi. Medyo nakakawindang pala makasaksi ng ganito.

“Hindi ka pwedeng mamatay! Please…”

“Mukhang masama ang panaginip mo, Shin,” bulong ko. Ginawa ko ang lahat upang magising siya. Pinitik, kinurot, hinampas, at kung anu-ano pa. Madalas, tumatagos lang ang kamay ko. Hindi ko na alam kung gagana pa ba itong huling paraan na aking naiisip pero wala namang mawawala kung susubukan.

Pinaglapat ko ang aming mga labi. At sa isang iglap, napabalikwas siya ng bangon. Wow, effective.

Balisa ang kanyang ekspresyon at tumatagaktak ang kanyang pawis. May kinuha siya mula sa ilalim ng kanyang unan. Pagkatapos ay hindi na niya napigilan ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

Anong problema, soulmate?

Nang sinilip ko ang kanyang hawak, nakita ko ang isang pahina ng dyaryo kung saan may headline na ‘NAG-IISANG ANAK NI ROWAN DY, NAMATAY SA PAGKALUNOD’.

Natulala ako sa labis na pagkagulat.

“Patawad, Rhian Dy. Patawarin mo ako kung hindi kita nasagip. Sorry. Sorry…” Paulit-ulit siyang humingi ng tawad. Gulong-gulo na ako. Shin, sabihin mo, mali itong iniisip ko di ba? Nagkataon lang ito, di ba?

“Huli na ako nang matagpuan kita. Dahil sa akin… Dahil sa akin…”

Hindi nagtagal, napasabay ako sa kanyang pag-iyak sapagkat unti-unti ko nang napagtatagpi ang mga pangyayari. Bakit? Bakit sa amin pa kailangang mangyari ito?

“Tama na. Wala kang kasalanan, Shin.” Gusto kong marinig niya na hindi ko siya sinisisi. Gusto kong malaman niya na nagpapasalamat ako dahil hindi niya kinalimutan ang aking sinapit. Gusto kong iparamdam sa kanya na masaya ako dahil nagkaroon pala kami ng tsansang magkita sa una at huling pagkakataon.

Inakap ko siya sa abot ng aking makakaya. Nandito ako, Shin. Hindi ka nag-iisa.

* * * *

Dalawang buwan na lang ang natitira pero hindi pa rin ako makapagdesisyon. Kung tutuusin, mayroon akong pagpipilian. Kapag hindi ko siya ipinares sa iba, maipapanganak akong muli sa lupa at posibleng kami’y mag-abot. Tatanggapin ko ang anumang hirap na nag-aabang sa akin kung ang kapalit naman ay makasama ko si Shin. Ngunit wala nga lang kasiguraduhan ang iniisip kong ito. Parang suntok sa buwan kung aking ipipilit.

Mukhang kailangan ko na ngang tapusin itong misyon. Sa pagdaan kasi ng mga araw na mas nakikilala ko siya, para akong kinakain ng panghihinayang. Isa na lang akong hamak na kaluluwa. Walang patutunguhan itong pag-ibig na umuusbong sa aking damdamin. Wala talaga! Kaya dapat ko nang itigil ang kahibangan na ito.

Sacrifice.

Noong nabubuhay pa ako, nagawa ko nga bang magsakripisyo? Siguro kaunting beses lang. Sa mga tulad naming anak-mayaman, napakadali lang makuha ang halos lahat na aming naisin. Isang hingi ko lang sa aking mga magulang, agad na nilang ibibigay. Palagi pang nasa akin ang atensyon nila kasi nag-iisa lang naman akong anak. Obviously, I was a spoiled brat. Hindi ko pinahalagahan ang mga bagay na mayroon ako lalo pa’t hindi ko naman pinaghirapan.

Kabaligtaran ko si Shin. Nagtatrabaho siya para mabuhay. Sinisiguro niya ang kaligtasan ng mga taong lumulusong sa dagat. Narinig ko rin sa isa niyang kasamahan na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil maaga siyang naulila. Hiyang-hiya talaga ako sa dalas ng pagliban ko sa klase para lang gumimik.

Shin, marami ka nang napagdaanang hirap. Hindi ko hahayaang madagdagan pa ang kalungkutan mo dahil sa akin. Napakapalad ko na ikaw ang aking soulmate. Pero ngayong wala na ako, responsibilidad kong ihanap ka ng ibang taong kayang punan ang pagmamahal na dapat ay sa atin.

* * * *

Asahan mong mula ngayon
Pag-ibig ko’y sa’yo

3: Hintayin

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s