3: Hintayin

Handa na sa liwanag mo
Sinuyod ang buong mundo
Maghihintay sa’yong sundo

* * * *

Mapaghahandaan ba talaga ang kamatayan? Para kay Shin, oo. Paano? Kailangan lang nating sulitin ang bawat araw, gawin ang dapat gawin, at laging iparamdam sa mga taong malalapit sa atin kung gaano natin sila kamahal.

Ngayong sumapit na si Shin sa kanyang mga huling sandali, alam niyang wala na siyang mahihiling pa. Ang kanyang asawa, na si Alena, ang lubos na nagpakumpleto sa kanyang buhay. Bawat minutong magkasama sila ay puspos ng pag-ibig. Marami mang pagsubok ang dumating sa kanilang pagsasama, mapalad nilang nalagpasan ang mga ito.

Soulmates. Ganun nga siguro kapag magkakunekta hindi lang puso, kundi pati kaluluwa niyo.

Unang nagkita ang dalawa sa La Vista Resort. Nang muntikang malunod si Alena, sinagip siya ni Shin na noo’y isang lifeguard doon.

Miss! Ayos ka lang?!tanong ng binata nang nasa pampang na sila.

Kuya… thank you po talaga,” medyo nanghihina namang sambit ni Alena. Nanginginig pa rin siya dulot ng nangyari.

Nang magtama ang kanilang mga tingin, tila may nagbalik na alaala kay Shinyung araw na naiahon niya ang isang babaeng nagngangalang Rhian Dy ngunit wala na itong buhay.

Nakapalibot ngayon sa hospital bed ni Shin si Alena, ang kanilang dalawang anak na sina Allen at Shaina, pati ang pamilya ng mga ito. Halos lahat ay nag-iiyakan sapagkat alam nilang anumang oras ay maaari nang bumigay ang katawan ni Shin na tinalo na ng katandaan.

“Lolo?” tawag ng kanyang apo na si Mimi.

“Mimi…”

“Lo, magbabakasyon na po kayo sa heaven?”

“Oo sana apo,” mahina niyang tugon, “Maganda naman doon kaya huwag ka mag-alala kay Lolo.”

“Pwede po ba doon visitors?” usisa pa ng bata.

Napangiti na lang si Shin. “Ako na lang bibisita sa’yo, apo. Malayo kasi iyon, baka maligaw ka.”

“Kayo Lolo, alam ko kung bakit ‘di kayo maliligaw,” pumapalakpak na tugon ni Mimi.

“Hmm, bakit?”

Lumapit ang bata sa kanyang lolo upang ibulong ang kanina pa nitong napapansin sa gilid.

“Igaguide naman po kayo nung magandang angel,” at saka ito ngumuso sa direksyon ng babaeng nakatayo malapit sa pinto.

Bahagyang nagulat si Shin sa kanyang nakita. Matagal mang panahon ang lumipas, hindi pa rin niya nakakalimutan ang maamong mukha ng babaeng nag-iwan ng malaking impact sa kanyang buhay. Tila hindi nagbago ang itsura nito. Hindi ito tumanda at kumulubot ang balat, hindi katulad niya.

“Shin…” tawag nito sa kanya.

“Rhian…”

Gusto niyang lumapit ngunit hindi makagalaw ang kanyang katawan. Gusto niyang sumama kay Rhian patungo sa liwanag na naghihintay. Gusto niyang abutin ang nakalahad na kamay nito, kamay na may nakalagay na pulang tali sa palasingsingan.

“Matagal kitang hinintay,” nakangiting sambit ng babae.

“B…bakit?” pilit na tanong ni Shin sa kanyang isip.

“Para sa pagtawid man lang sa langit, magkasabay na tayo.”

“I…ibig mong sabihin… sa dumaang mga taon…?”

“Kahit hindi mo ako nakikita, nanatili ako sa tabi mo. Oo, nakaya kitang ibigay sa iba, pero hindi ko kayang iwan ka.”

“Rhian…”

“Halika na, hinihintay na tayo ng Tagapagbantay.”

At sa isang iglap, parehas na silang nakatayo sa gilid habang magkahawak ng kamay.

“Shin!”

“Papa!”

“Lolo!”

Humagulgol ang naiwang mag-anak. Isa-isa silang niyakap ng kaluluwa ni Shin bago sila tuluyang lumabas ni Rhian sa silid.

“Limang dekada. New record,” bungad sa kanila ng Tagapagbantay.

“Maaari na bang matupad yung huling hiling ko?” tanong naman ni Rhian. Tumango ang Tagapagbantay at kinuha ang magkaputol na pulang tali mula sa daliri ni Rhian at Shin, at saka pinagbuhol ang mga iyon.

“Makakatawid na kayo.”

“Salamat.”

Sabay na pumasok sa pintuan ang dalawa samantalang ang Tagapagbantay ay inilagay sa isang maliit na bote ang mga ipinagbuhol na tali. Itinapon niya ito sa mga ulap upang balang-araw… ay maipanganak muli.

* * * *

Sinusundo kita

Sinusundo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s