Part 7

Breeze

“Shocks! Paano ko ba lalapitan si Henry? O wag ko na lang kaya ibigay itong regalo ko?” rinig kong sabi ni Kim, kaklase ko. She’s thinking out loud again.

“Oy Kim! Damoves ba? Tara, tuturuan kita!” tawag ko sa kanya habang nilalagyan ko ng spray paint na black yung school shoes ko.

“Grabe, Bree! Ano yan? Ang adik mo!” sabi niya nang mapansin yung ginagawa ko.

“Sus. Para pagkatapos ng Christmas break, hindi ko na kailangang lagyan ng Kiwi ang sapatos ko. Tira lang naman itong spray paint. O di ba? Shiny pa!” sabay turo ko sa sapatos kong nangingintab na itim.

“Galawang Breezy pa more,” comment naman ni Margo na nagsusulat sa white board ng mga dadalhin para sa Christmas party bukas.

“Inggit ka lang! Hahaha!” Binalik ko ang aking tingin kay Kim. “Gusto mo kamong bigyan ng regalo si Henry di ba?” tanong ko. Si Henry ‘yung crush niya sa section Mulawin.

“Yup. Kaso nahihiya akong lapitan siya. Baka ipaabot ko na lang.”

“Ano ka ba, girl! Dapat personal! Sayang ang sparks, bahala ka.”

“Eh anong gagawin ko?”

Saglit akong nag-isip ng mga nakakakilig na senaryo. “Uhm kunwari nadapa ka sa hallway. Tapos tutulungan ka ni Henry. Tapos bilang pasasalamat, bibigyan mo siya ng regalo. Then itanong mo sa kanya kung alam niya yung kantang Give Love On Christmas Day. Iyon kamo kasi ang motto mo.” Kumindat pa ako para dagdag effect.

“OMG ‘di ko yata kaya iyon!” Aayaw-ayaw pa, kinikilig naman sa idea ko.

“Diskarte mo na ‘yan. Kung gusto mo, samahan mo pa ng love letter para kabog na kabog.”

“Ah parang ganto?” tapos may ipinakita sa akin si Kim na pulang sobre. ‘Yung hopeless expression niya kanina, napalitan bigla ng playful look. Teka parang galing ‘yung sobre sa bag ko ah! Nasa lapag kasi yung backpack ko at medyo nakasabog pa ang laman. Oo na, ang burara ko!

“Kanino ‘yan?”

“Duh? Sa’yo kaya. Di mo alam?”

“Ha? Patingin nga.”

Inabot ko ‘yung pulang sobre at nakitang nakasulat nga ang pangalan ko sa labas nito. Galing kaya ito kay Storm? O may iba na namang nabiktima ng alindog ko? Deep inside, hinihiling ko na sana galing sa kanya ito. Masakit umasa pero fudge, hindi ko mapigilan. Binuksan ko ang envelope saka ko binasa ang papel na nasa loob.

‘Hi, Bree. May gusto ako sa iyo. Matagal na. Halos apat na taon na siguro. Kaso hindi mo ako napapansin. May gusto ka kasi yatang iba. Kahit anong gawin kong pagkuha sa atensyon mo, parang binabaliwala mo lang. Kung malaman mo man kung sino ako, wag ka sanang magalit sa akin. Hindi naman kita pipiliting magustuhan mo rin ako. Kuntento na akong maamin sa iyo itong nararamdaman ko. Salamat sa pagiging inspirasyon. Salamat kasi nakilala kita. Salamat kasi sa simpleng pagngiti mo, napapasaya mo na rin ako. Naniniwala ka ba sa coincidence? Ako kasi hindi. Pero naniniwala ako sa destiny.’

Shems! Parang alam ko na kung sino siya! Pamilyar kasi ‘yung handwriting at isa lang naman ang kilala kong lalaki na puro destiny ang bukambibig. Ngayon, kailangan ko na lang makasiguro.

* * * *

Aero

Christmas party na. Nandito kaming buong Narra sa room, nag-eexchange gift. Pa-chain yung ginagawa namin, kapag nabigay na ‘yung regalo mo, ikaw naman ang mag-aabot ng regalo sa iyong monita o monito. Kay Ced nagsimula dahil siya ang president. Marami-rami na rin ang nakapagbigay at nabigyan na pero ako hindi pa.

“Guys, sino na lang wala?” tanong ni Ced. Nagtaas naman ako ng kamay.

“O Bree! Aero! Kayo na lang palang dalawa.” Nagulat ako. Si Bree ang monita ko kaya ibig sabihin ako rin ang monito niya?

Tumayo na kami at pumunta sa platform habang nangangantyaw ang mga kaklase namin. Ibang klase. Pinagtitripan yata kami ng tadhana.

“Oy message muna!” sigaw ni Margo.

Tumingin naman ako kay Bree at inabot sa kanya ang regalo ko. Puting statement shirt yung nasa loob nun, na may nakalagay na ‘Maganda’ sa gitna.

“Merry Christmas. Happy four years. Apat na taon na tayong magkaklase, hindi mo pa rin ako pinapakopya sa exam,” biro ko. Nakakailang ito. Minsan na lang kasi kami magkausap dahil nga iniiwasan ko siya.

“Asa. Hindi ako nagpapakopya noh. Pero happy four years din.” Nakangiti niyang binigay ang kanyang regalo. Naghiyawan pa ‘yung iba. Mga timang. Haha.

Nagthank you kami sa isa’t isa at saka kami bumalik sa kanya-kanya naming upuan. Tinignan ko ‘yung nakalagay na card sa binigay ni Bree. Pero tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ko nang mabasa ko ang nakasulat.

‘To: Aero

Merry Christmas! Iwas-iwas ka pa! May gusto ka naman pala sa akin! Tsk. Naunahan mo akong umamin.

From: Destiny Mo’

Hindi ko mapigilang mapangiti. Tangna! Hayup! Totoo ba iyon?

“Sabay-sabay tayong magbukas ng regalo! In one, two, three!” Pagkasabi ni Ced nun, binuksan na nga naming lahat ang aming mga natanggap.

Nagulat ulit ako. ‘Yung binigay kasi ni Bree, isang black na statement shirt na may nakalagay na ‘Pogi’ sa gitna. Tumingin ako sa kanya at nakitang nakatingin din siya sa akin. Medyo natawa ako. Para kasing couple shirt ‘yung regalo namin sa isa’t isa.

Huminga ako nang malalim bago ko siya nilapitan.

“Nabasa mo?” tukoy ko sa pulang sobre na nilagay ko sa bag niya nung isang linggo. Tumango naman siya bilang sagot.

“Pano mo nalamang… sa akin galing yun?”

“May nakakita sa iyo g*go,” sabi niya na may halong pang-aasar.

“Eh eto?” pinakita ko ‘yung gift card, “Totoo ba ito?”

Nagtaka ako nung may nilagay siya sa palad ko at saka sinabing, “Yan naman ang akin. Pero sa’yo na lang.”

Tinignan ko kung ano ang nilagay niya sa kamay ko tapos nakita ko ang isang bato. Korteng puso din pero iba ito sa batong binigay ko sa kanya dati. Kahit hindi niya direktang sabihin, nalaman ko na ang sagot niya. Parang tumatalon tuloy ngayon ang puso ko sa saya.

“Woot woot! Iba talaga ‘pag galawang Breezy!” sabi ni Margo na kanina pa palang nasa gilid at pinapanood kami.

Natawa naman ako kaso naisip ko ‘yung asungot. “Pano si Storm?” tanong ko kay Bree.

“Hmm. Crush ko siya.” Napasimangot ako. Pero may karugtong pa pala ang sinasabi niya. “…dati,” at saka niya ako hinampas sa balikat. “Selos ka naman agad! Hahaha!”

“Akala ko pinapaasa mo lang ako eh,” bulalas ko habang napapailing.

“Sus,” lumapit siya sa tenga ko para bumulong, “Akala mo rin ba nakalimutan kong hinalikan mo ako? Panagutan mo ako hoy.” Pareho kaming natawa dahil doon. Si Bree talaga.

“Siyempre naman. Destiny kaya tayo.”

-END-

A/N: Thank you for reading this story! I hope I made you smile in my little ways. 🙂

 

Part 6

Breeze

Dati, super against ako sa mga nagliligawan sa text, nagcoconfess sa text, etc. Kasi naman, nasaan ang sincerity doon? Nasa sim?

Noong tinext sa akin ni Storm na gusto niya ako, tinanong ko sa kanya kung nagbibiro lang ba siya or what. Hindi naman daw. Kaya sabi ko na lang, Monday kami mag-usap. Shete! Kinakabahan ako! Paano ko sasabihin sa kanya na dati, crush ko siya pero ngayon, hindi na? ‘Di ba, mas masakit yun? Margo! Friend, I need you! Kaloka. Ang drama ko na.

Pagkarating ko sa tapat ng classroom namin, nakita kong sarado pa ‘yung pinto. Ibig sabihin, wala pa si Aero. Siya kasi key keeper namin. Himala at naunahan ko siya! Kaso, ang dami kong bitbit at ayoko namang itambak ito dito sa hallway. Kumuha ako ng clip sa bag ko at ginamit iyong pangkalikot sa padlock. Konting pihit lang, tenen! Bukas na!

Pumasok na ako sa loob tapos nilagay ko na ang mga gamit ko. Lumabas din ako agad at ibinalik ang padlock sa pinto.

Naglakad na ako papuntang Roxas Hall. Kadikit iyon ng building namin kaya malapit lang. Pagkapunta ko sa staircase, third floor, nandoon na si Storm, nakasandal sa railings. Napag-usapan naming ngayong umaga mag-usap, bago magflag ceremony. Kapag kasi sa tanghali o kaya sa uwian, panigurado marami nang tsismosa at usiserong nagkalat sa tabi-tabi.

“Bree!” bati niya nang makita ako. Gosh, ang sigla niya! Paano ko siya magagawang iturn down? Hindi ko naman kasi alam na makakasakit ako ng iba dahil nahulog sila sa taglay kong ganda. This is so effin’ hard!

“Uy.” Sumandal din ako sa railings (cool kasi tignan) pero medyo nakaharap ako sa kanya. “Di na ako magpapaligoy-ligoy ah? May gusto ka talaga sa akin?” lakas-loob kong tinanong. Hindi na mareach ang fighting spirit ko! Grabe. I wonder kung saan ko nahugot ito.

“Magagalit ka ba kung sasabihin kong… oo?” Nakahawak pa siya sa kanyang batok at halatang nahihiya.

“Ha? Ano ka ba, hindi noh. Pero ano kasi…” Sheez. Ang hirap sabihin! “S…sorry, Storm.” Halatang natigilan siya sa sinabi ko kasi naging tensed ang balikat niya.

“Di pa nga nanliligaw, basted agad?” biro niya kahit halata naman sa kanyang mukha ang disappointment.

“Tsk. Storm naman eh! Wag ka ngang magdrama jan. You know we can always be friends right?”

“Nice, friendzoned. Mas masakit ata yun.”

“Storm!” Lalo niya lang akong pinapaguilty! Pero natawa naman siya nang kaunti, thank God. Akala ko magiging super serious and mega awkward ang usapang ito.

“Lagi mong tatandaan, nandito lang ako ha,” sabi niya habang pinipisil ang pisngi ko.

“Aray naman! Oo na. At thank you for liking me, though hindi ko talaga masusuklian yung feelings mo.”

“Kasi may iba kang gusto.” Tapos bumalik na naman ‘yung malungkot niyang expression. Medyo nagpanic tuloy ako.

Hindi ko alam kung makakagaan ito sa loob niya pero naisip kong sabihin na rin. “Naging crush kita, Storm. Nagustuhan natin ang isa’t isa… Hindi nga lang sabay.” Medyo pabulong ang pagkakasabi ko sa last sentence, sakto lang para marinig niya.

“Tara na nga, balik na tayong Carpio Hall,” pagchange ng topic ni Storm. I just nod then we headed back to our building. Akala niya siguro hindi ko napansing hindi niya tinanong kung sino ‘yung gusto ko. Maybe he knew that I wouldn’t tell him. Good thing since I think it’s not the right time yet.

* * * *

Aero

Tatlong buwan. Tatlong buwan ko nang iniiwasan si Bree sa pag-aakalang mawawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Wala namang talab. Para lang akong tanga sa ginagawa ko.

Mga bandang August nung nabasa ko ‘yung notebook niya. Puro tungkol iyon sa asungot na si Storm kaya nalaman kong ang lalaking ‘yun pala ang kanyang gusto. Langya, si Storm pa napansin niya, nandito naman ako na apat na taon na niyang kaklase? Nakakainis. Nakakaselos.

Nung araw na nakita ko sila sa KFC, nag-usap kami ni Storm. Nag-CR si Bree kaya kaming dalawang lalaki ang naiwan.

“Pre, pinopormahan mo ba si Breeze?”

Sabi ko na nga ba, magtatanong yan.

“Ano naman sa iyo?” ganti ko habang nakangisi.

“Gusto ko siya. Kaya kung naghahanap ka ng babaeng pagtitripan mo, humanap ka ng iba.”

Tangna. Gusto nila ang isa’t isa. Saya pala.

“Kung totoong gusto mo siya, aminin mo sa kanya. ‘Di yung sa akin mo sinasabi.”

Pagkatapos ng araw na iyon, nagsimula nang magpabida si Storm. Sa room namin, nakikita ko ‘yung paghampas ni Bree kay Margo kapag kinikilig siya. Nakikita ko ‘yung kanyang pagngiti tuwing nakatingin sa cellphone niya.

Gusto kong laging masaya ang mga taong importante sa akin. Kaya sige ayos lang. Kahit masakit. Kahit nakakalungkot.

Hindi ko malilimutan ‘yung araw na nagdampi ang mga labi namin ni Bree. Nakita kong nagulat siya at ganun din naman ako kahit hindi ko pinahalata. Gusto kong magsorry nung mga oras na iyon pero hindi lumabas sa bibig ko. Hindi ako nakatulog nung kinagabihan dahil hindi maalis sa isip ko ‘yung pakiramdam ng malalambot niyang labi. Hindi ko na rin siya nakausap tungkol doon. Sa palagay ko, binaliwala na lang niya at inisip na aksidente lang ang nangyari.

“…crush kita, Storm. Nagustuhan natin ang isa’t isa…”

Napamura ako nang marinig ko iyon. Hindi ako pwedeng magkamali, boses iyon ni Bree at mukhang nagkakaaminan na sila ngayon ni Storm.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at hindi pinansin yung kirot sa dibdib ko. Tsk. Bakit ba kasi naisipan kong magshortcut sa Roxas Hall?

Pagkarating ko sa room namin, binuksan ko ‘yung nakapadlock na pinto dahil ako ang tagahawak ng susi. Nakita ko ang bag ni Bree, nakapatong sa upuan niya. Hindi na ako magtataka kung pano niya naipasok dito iyan.

Nilagay ko na rin ang mga gamit ko sa upuan at kinuha ‘yung flash drive mula sa isang bulsa ng bag ko. Tinamad kasi akong ipaprint kagabi yung pinapagawa sa Physics kaya ngayong umaga na lang. Sana bukas na yung paprintan dito sa BSU.

Pero bukod sa flash drive, may iba akong nakita. Isang pulang sobre. Isang sulat na ginawa ko para kay Bree noong mga panahong naisipan kong magpakasecret admirer. Hindi ko alam kung anong nakain ko noon at gumawa ako ng ganitong kabaduyan. Ang alam ko lang, binuhos ko lahat ng nararamdaman ko sa sulat na ito. Nyemas. Ang bading pakinggan. Paniguradong aasarin ako ng mga kaibigan ko kapag nalaman nila ito.

Bigla na lang yata akong nawala sa katinuan nung kinuha ko ‘yung sobre at pasimpleng inilagay sa loob ng bag ni Bree. Eksakto pagkatapos kong gawin iyon, nagsidatingan na ang iba ko pang kaklase. Phew. Muntik na.

Lumabas na ako ng room at napaisip. Siguro ito na ang panahon para ako naman ang umamin.

 

>>> Part 7 >>>

Part 5

Breeze

Nandito kami ngayon sa gym, kaming sampu na kasali sa Human Calculator. Pinagpartner-partner kami kasi mixed ballroom and ballet ang gagawin naming performance. Hulaan niyo kung sino natapat sa akin?

“Ayusin mo naman!” reklamo ni Aero. Oo, siya nga.

“Ikaw itong ayaw humawak sa bewang ko eh!” bulyaw ko sa kanya. Kanina pa kami away nang away, ang arte niya kasi!

Dark Horse ang napili naming tugtog. ‘Yung kaklase kong si Patricia naman ang nagtuturo ng sayaw. Grabe, may pahawak-hawak pa dapat sa mukha! Feeling ko tuloy, para na akong kamatis dito.

“Guys! Eye contact! Last na ‘to!” sabi sa amin ni Ced. Buti naman at makakauwi na kami! Magseseven pm na kaya. Kahit enjoy akong kasayaw si new crush (shete hindi ako sanay), baka hinahanap na ako ng aking mudra.

Gaya ng sabi ni Ced, tumingin ako sa mga mata ni Aero at gayundin siya sa akin. Super nakakailang, to the highest level!

Nagfocus na lang ako sa steps. Yan, ikot. Then taas kamay. Slide. Takbo papunta sa partner. Hawak sa mukha. Wew, ang kinis.

Nung matatapos na ‘yung kanta, humawak ako sa batok ni Aero at saka nagbend backwards. Naglean naman siya palapit sa akin habang nakasuporta ang kamay niya sa likod ko. Ito yung finale pose namin pero biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.

ISANG MALAKING PAK. AT ISANG MALAKING SHET.

Hinalikan niya ako. Putspa. Hinalikan niya ako! Mga one second! Mabilis lang kaya sa tingin ko, walang nakapansin. Pero naramdaman ko eh! Peksman, hindi ako nag-iilusyon lang!

Umayos na kami ng tayo dahil tapos na ‘yung tugtog. Naglakad na si Aero palapit sa kinalalagyan ng bag niya habang ako, tulala pa rin.

Yun na yun? Wala man lang ‘sorry’ or whatever? Siguro nga hindi niya sinasadyang magkadikit ang labi namin at nasobrahan lang siya ng liyad kanina pero fudge! PERS KISS KO YUN!

Hindi ko akalaing makukuha ko ngayong high school ang una kong tuka―este first kiss. Buti si Aero ang nakauna sa aking virgin lips. Help! Kinikilig ako! Hahaha!

Hoy Aero! Panagutan mo ako ngayon!

Tae. Narinig ba niya iniisip ko? Lumapit kasi sa akin si Aero pagkakuha niya ng bag niya. Di nga? Seryoso? Mind reader ba siya? Pananagutan na niya ako? Now na? Agad-agad?

“ID ko,” sabay lahad niya ng kanyang palad. Awtsu. ‘Yun lang pala kailangan niya.

Kinuha ko naman sa bulsa ng palda ko ang kanyang ID. Baka sisihin niya kasi ako kapag hindi siya pinapasok ng guard bukas. ‘Di bale, nakunan ko naman ng litrato ang ID niya sa cellphone ko. Mga galawan ko, siyempre!

Nang makuha na niya, umalis na siya.

“Nang makuha na niya, iniwan ka na.” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Margo. Hinampas ko nga.

“Hahaha! Obvious ka kasi masyado, Bree!” Heto na, magsisimula na siyang mang-asar. “Si Aero bago mong crush noh?” pabulong pa niyang tanong habang sinisiko ako. Sabi ko na nga ba, malalaman niya kahit ‘di ko sabihin! We’re bestfriends afterall.

Tumango ako kay Margo. At ang bruha, ang lakas ng tili!

“Tumigil ka nga!” awat ko sa kanya. Pano pa kaya kapag sinabi ko kay Margo na hinalikan or should I say, nahalikan ako ni Aero?

* * * *

Ang bilis ng araw! December na! Two months na ang nakalipas simula nung naganap ang first kiss ko. Na ako lang ang nakakaalala. Wala naman kasing nakakita saka kahit si Aero, mukhang kinalimutan lang. Ang sakit po kaya! Kahit kay Margo, hindi ko pa kinekwento. For sure kasi, pipilitin niya akong makipag-usap kay Aero tungkol sa nangyari. Naduduwag ako, sorry naman! Takot kasi akong masabihan ni new crush ng, “Ha? Big deal ba yun?” o di naman kaya, “Anong sinasabi mo? Ikaw? Hinalikan ko?”

Ghad. So complicated!

‘Start twerking like Miley’ 

Kinuha ko ‘yung cellphone ko para tingnan kung sino nagtext. Yes, Twerk It Like Miley ang ringtone ko. Bakit ba! Kinikilig ako dun eh.

From: Storm

Good morning Bree! Nakauwi ka na? 😉

Ha? Anong sinasabi ni Storm? Wala naman akong pinuntahan ah? Nandito lang ako sa kwarto ko, nakaupo sa kama at iniistalk sa facebook si he-who-must-not-be-named. Chos.

To: Storm

Nakasinghot ka ba ng katol? Hindi naman ako umalis ng bahay!

Sinend ko na sa kanya ang reply ko at ilang sandali lang, nagtext ulit siya.

From: Storm

Eh bakit buong gabi kang nasa panaginip ko?

Shems! Biglang banat daw ba! Kung crush ko pa rin sana itong si Storm, siguradong naglulupasay na ako sa kilig ngayon. Pero napangiti pa rin naman ako dun.

To: Storm

Ikaw ha! Mukhang nahuhulog ka na sa karisma ko! Ang diyosa ko talaga. XD

Dinaan ko na lang sa biro. Hindi ko naman alam na seseryosohin pala niya.

From: Storm

Kasalanan ko bang mahulog ako?

Err. Ayaw pa ring magsink in. Ano bang pinaparating niya? Nahulog daw siya? C…crush niya ba ako? Pakerr.

Patuloy pa rin akong nakatingin lang sa screen ng aking cellphone nang biglang may text na namang dumating.

From: Storm

Oo, gusto kita Bree. 🙂

 

>>> Part 6 >>>

Part 4

Breeze

Nakakainis. Ang gulo ko! The last time I checked, si Storm ang crush ko ah! Kaya bakit may ibang taong nagsusumiksik sa utak ko ngayon?

Sino? Ang siraulong si Aero. Kailan pa? Kahapon lang. Paano? Sisihin niyo yung ‘Twerk It Like Miley’ niya!

Kahapon kasi sa Computer subject namin, group nila ang nakaassign sa energizer. At ang siraulo, ayun, nagsexy dance sa harap! Tawa nang tawa ‘yung mga kaklase ko habang nagpeperform siya. Pero ako, tinamaan yata. Putspa.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit niya ako iniiwasan. Halos isang buwan na at nagsimula iyon pagkatapos ng araw na nakasabay namin siya ni Storm sa KFC. Bwisit. Ano bang problema niya?

Dati, sumasabay siya sa amin ni Margo pauwi since pare-pareho kaming pa-Plaridel ang daan. Ngayon, hindi na. Nawala na rin ‘yung mga pang-aasar niya sa akin kaya ang tahimik na tuloy ng buhay ko.

Kabaligtaran naman ang naging sitwasyon namin ni Storm. Hindi ko akalaing magiging kaclose ko siya! May number na nga kami ng isa’t isa at palagi kaming nagkakatext. Madalas din kaming nagkakachat sa facebook. Siyempre kilig na kilig ang lola niyo. Parang dream come true kaya. Kaso nagbago nga lang lahat kahapon.

“OMG ang ganda!” masayang sabi ni Margo. Tapos na naming pinturahan ‘yung mga pakpak na kasama sa costume namin para sa Human Calculator, isa sa mga contests ng Math Club. Ten students per section ang kasali at kabilang kami ni Margo. Pati si Aero.

“Oy may practice tayo mamaya ah!” paalala sa amin ni Ced. Oo nga pala, may performance pa na dapat iprepare ang mga kasali tapos dapat related iyon sa napiling theme ng section niyo. Black Swan ang tema namin kaya baka ballet na may mix na ballroom ang aming sayawin.

Matapos naming iligpit ang mga kalat, bumili kami ni Margo ng merienda. “Ano ba talagang drama niyo ni Aero?” usisa ng bruha.

“Drama ka dyan?”

Hindi ko pa nakekwento sa kanya ‘yung sudden twist sa aking crush life. Isosort out ko muna siguro itong isip ko.

“Eh bakit hindi kayo nagpapansinan?”

“Excuse me, siya lang kaya ‘di namamansin noh. Hindi ko alam problema niya sa buhay,” sagot ko.

“Oh ayun dali! Lapitan mo!” Hinatak pa ako ni Margo hanggang sa makarating kami sa tindahan ng fishball. Nakita ko agad si Aero sa di kalayuan, bumibili rin.

“Ano namang sasabihin ko?”

“Basta! Ikaw na bahala. Gamitin mo ‘yang galawang Breezy mo!” Grabe naman makapag-udyok ang isang ito! Talagang pinaglapit pa niya kami ni Aero hanggang sa magkabungguan kami.

Fudge.

“U…uy! Libre naman dyan!” pilit kong biro kay Aero. Medyo nagulat pa nga yata siya sa biglaang pagsulpot ko. Tumingin siya sa akin saglit pero ang sakit sa pride nung basta-basta lang akong talikuran ng mokong! Aray ha. Walang pakundangan ang lalaking ito.

Sinundan ko siya. Ewan, hindi ko rin alam. “Go lang girl,” rinig kong sabi ni Margo habang bumibili siya ng pagkain.

“Aero!” tawag ko sabay takbo. Hindi siya tumigil o lumingon man lang. Bingi yata! “Ba’t ang snob mo?” tanong ko nang maabutan ko siya.

“Ako, snob?” Akalain mo, nagsalita! Akala ko naging pipi na rin ang kumag.

“Oo ikaw. Alangan namang ako?” pambabara ko sa kanya.

“Di mo kasi naiintindihan.” Naknang! Ang drama ni kuya. Wagas makahugot!

“Edi explain mo.” Tapos mabilisan kong kinuha ang ID niya. I’m so great. “Hindi ko ito ibabalik hangga’t snob ka!” Kumaripas agad ako ng takbo pabalik sa bilihan ng fishball. Pagkarating ko naman doon, wala na si Margo. Wow, iniwan ako. Yun talaga! Pinagpapalit ako sa foodtrip niya.

Tinawagan ko siya at napag-alamang pumunta siya sa food court dahil bigla raw siyang nagcrave sa graham balls. Layo ng narating! Nasa kabilang ibayo pa iyon nitong BSU. ‘Di bale na nga, mapuntahan na.

Kinuha ko ‘yung ID ni Aero sa bulsa ko. Ang fresh ng datingan niya sa picture! Ha! Siya ang lumapit sa akin ngayon. Iwas pa siya eh. Imposible namang ang dahilan niya ay crush ko siya kasi simula kahapon pa lang naman ‘yun.

Wait. Inadmit ko na crush ko nga siya? Pusanggala.

>>> Part 5 >>>

Part 3

Breeze

Tumabi ako kay Aero. Hindi dahil sa gusto ko siyang katabi kundi dahil mas matititigan ko si Storm kapag doon ako pumwesto. Whoo! Gaganahan akong kumain nito. Ang ganda ng view!

Makalipas ang ilang minuto, dumating na ‘yung order namin kaya nagsimula na kaming kumain.

“Siguro destiny talaga tayo.” Putspa. Nasamid ako doon ah! Napainom tuloy ako sa Sprite ko nang di oras. Bwisit talaga itong Aero na ito. Napakarandom.

“Nakashabu ka na naman,” sabi ko habang medyo nauubo.

“Tingnan mo kasi, ikaw lang ka-four years kong kaklase. Tapos lagi pa tayong di sinasadyang nagkikita. Naalala mo last week, sa SM Baliuag!”

“Alam mo yung tawag doon? Coincidence.” At talagang inemphasize ko yung word gamit ang maarteng accent.

“Sige nga, spell mo!”

“Ah pre, sige destiny na lang pala. Hahaha!”

“Bagay kayo.”

Holy mother of red velvet cakes. Pakisabi nga sa akin na nagkamali lang ako ng dinig! Na hindi si Storm, of all people, ang nagsabi na bagay kami nitong bakulaw na si Aero! Because it’s like… super ouch ha. Like major facepalm to my beauty.

“G…grabe ka, tao kaya kami,” pagmamaang-maangan ko.

“Sus kunwari ka pa, Bree. Alam ko namang may HD ka sa akin.” Leche. Tatadyakan talaga kita mamaya, Aero! At kumindat pa! I can’t believe this. Nilalandi niya ako sa harap ni Storm! Sa harap ng crush ko!

“Mahihiya sa iyo si Cara Delevingne,” sabi ko kay Aero.

“Yung model sa Penshoppe?” Aba. Kilala nga ng kumag.

“Oo. Dinaig mo pa kasi kilay niya sa kapal ng mukha mo!” Saka ko siya tinawanan nang bongga. Akala niya ha! Napansin kong natawa rin si Storm.

Shems. Napatawa ko siya. Kinikilig ako!

* * * *

Bumalik na kami ni Storm sa BSU. Umalis na si Aero dahil may importanteng lakad pa raw siya. If I know, may date lang iyon. Sino naman kayang babae ang nabiktima ng panlalandi niya?

Tsk. Bakit ko ba siya pinoproblema? Dapat good vibes lang! Lalo pa’t kasama ko ngayon ang aking long time crush na si Storm. Kaming dalawa. Naglalakad. Holding hands. Joke!

“Ay tae!” Napatid pa ako. Hindi ko namalayang nawala pala sa buhol ‘yung sintas ng sapatos ko. Masyado kasing nagdedaydreaming!

Yuyuko na sana ako para ayusin iyon pero may nauna na sa akin.

Si Storm.

PAK. SYET.

Lord, alam ko naman pong dadating talaga ang time na ito pero hindi ko akalain na ngayon na. Sana may sign o warning man lang para nakapagmakeup at nakapagpakulot ako kanina.

“Breeze, baka makornihan ka sa sasabihin ko lalo na’t halos nakaluhod pa ako ngayon sa harap mo. Matagal na akong naghahanap ng tyempo eh. Sasabihin ko na sana sa iyo kanina pero dumating si Aero. Ano kasi… may gus―”

“Iyan okay na,” sabi ni Storm tapos tumayo na siya. Bumalik ako sa wisyo at narealize na pinapaasa na naman ako ng imagination ko. Akala ko magtatapat na si Storm ng undying love niya for me! Hirap talaga kapag asyumera.

Nagpasalamat ako sa kanya at nagpatuloy na kami sa paglalakad patungong dance studio. Nag-usap lang kami ng kung anu-ano habang nasa daan. OMG improving na kami! Nasa getting-to-know-each-other na ang status namin!

“Kumusta naman kayo ni Krista?” tanong ko sa kanya. Hindi ko alam na may side pala akong masokista. Gusto ko lang naman malaman kung ano ba talaga issue sa kanila.

“Ha? Wala,” tanggi naman niya.

“Yiee deny pa. Shumoshowbiz si kuya.” Sinundut-sundot ko pa si Storm sa tagiliran habang inaasar siya. Ibigay niyo na sa akin ang korona! Chansing Queen ang peg ko ngayon.

“Wala nga. Tropa lang kami ni Krista.” Ibang klase, wala siyang kiliti sa bewang? Ayos ‘yan, Bree! May maisusulat ka na ulit sa ‘Facts About Storm’ na notebook mo.

“Sabi nila M.U. daw kayo?”

“Naniniwala ka ba?” seryoso niyang tanong. Napaisip naman ako doon.

“H…hindi.”

Nang marinig niya ang sagot ko ay napangiti siya bigla sabay sabing, “Buti naman.”

Jusko. Ang puso ko.

 

>>> Part 4 >>>

Part 2

Breeze

‘Fire up that loud

Another round of shots!

Turn down for what?’

I moved my body to the beat of the music. Ang astig talaga sayawin nitong ‘Turn Down For What’. Freestyle lang ginagawa ko with some steps na natutunan ko sa Youtube.

Sa sobrang talented ko kasi, pinilit nila akong sumali sa Dance Troupe ng high school namin. Hahaha! Kidding. Actually, nabalitaan kong member si Storm kaya sumali rin ako. Ako pa!

Mag-isa lang ako ngayong nagsasayaw dito sa dance studio. May practice kami tuwing Sabado, from 1 pm to 5 pm. 11 o’clock pa lang kaya wala pang ibang tao rito. Early bird? Nah. Kasama ko kanina si Margo, tinulungan ko siyang mag-ayos ng bulletin board na nasa corridor. Student Council Vice President ‘yun eh. Umalis na siya agad dahil sa dental appointment niya, leaving me alone here. Psh.

‘Fire up that loud

Another round of shots!

Turn down for what?’

Nagbackflip ako. Whoo! I feel so light! Naisip ko ring magsplit kaso wag na. Masakit sa singit at isa pa, hindi ko kaya. Hahaha!

Nang mapagod na ako, pinatigil ko na yung tugtog at saka nagpunas na rin ng pawis. Grabe, kahingal!

“Tubig.” PACKING TAPE.

Feeling ko nagbukas ‘yung langit nang marinig ko ang malalim niyang boses. Shems! Fudge! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagod o talagang kinakabahan lang ako. Bree, relax! Chill! Keep calm!

Dahan-dahan akong humarap kay Storm. Nanginginig kong inabot ang binibigay niyang tubig. Swear, hindi ko itatapon ang boteng ito. Itatago ko forever.

“S…salamat. K…kanina ka pa?” tanong ko sa kanya.

“Medyo. Ang galing mo pala talagang magsayaw.”

Putspa. Nag-init bigla ‘yung pisngi ko. Nahihiya eke enebe.

“Ah hehe hindi naman,” pa-humble effect ko. Binuksan ko na ‘yung bote ng tubig at saka uminom. Eto na yata ang pinakamasarap na tubig na natikman ko. Landi eh. Inartihan ko pa nang kaunti ang bawat paglagok ko. Paano ba naman, nakatingin pa rin siya sa akin!

Naalala ko yung kahapon. Nasa labas si Storm ng classroom namin tapos bigla kaming nagkatinginan. Ang awkward nun kaya umiwas ako agad.

“Naglunch ka na?” tanong niya. OMG! Date na ba ituu?

“H…hindi pa. Ikaw?”

“Hindi pa rin. Tara, sabay na tayo?”

“Tara,” casual kong sagot pero deep inside, gusto kong sabihin, ‘Yes! Of course! Gora! Tapos diretso na tayong simbahan ah!’

Oo na. Ang feeler ko.

Pasimple kong tinago sa bag ko ang bote ng tubig na binigay niya. Saka ko na iisipin kung ipapaframe ko ba o ilalagay sa glass box, ‘yung parang sa museum. Haha!

Lumabas kami ni Storm ng BSU (Bulacan State University) at napagdesisyunan naming sa KFC na lang kumain. Habang nakapila kami sa counter, napansin kong pamilyar ang taong nasa harapan ko.

“Aero?”

Lumingon siya sa akin at hindi ako nagkamali. Si Aero nga.

“O, Bree!” masigla niyang bati sa akin. Tumingin si Aero sa likuran ko at mukhang nakita niya si Storm. “So, magkasama pala kayo.” Tumango lang ako. Ewan ko ba pero parang nakaramdam ako ng guilt. Arrgh! Ang gulo ko! Pakialam ko ba sa mokong na yan!

Tumingin na lang ako sa menu at pumili ng oorderin. “Kung burger steak kaya?” bulong ko sa sarili ko.

“Libre na kita,” sabay na sabi sa akin ng dalawa. Tumingin sila sa isa’t isa and for a moment, parang may nakita akong sparks. Joke!

“Thanks. Pero wag na,” sagot ko sa kanila. Baka mag-away pa eh. Bakit kasi ang haba ng hair ko!

Oo na. Ang feeler ko ulit.

Pinilit pa nila na sila na lang daw magbayad. Sus, mga gentleman. Dahil makulit ako, hindi ko sila hinayaan.

Humanap na kami ng table pagkatapos. Sumama na sa amin si Aero dahil mag-isa lang siya at ang resulta, siyempre siya ang third wheel! Tsk. Masosolo ko na sana si Storm.

Pumwesto sila sa magkabilang side ng table at saka sila parehong tumingin sa akin. “Tabi tayo, Bree!” sabi ni Aero habang tinatap yung upuang katabi niya. Napasulyap naman ako sandali kay Storm. May bakante ring upuan sa tabi niya at naisip ko, chance na yan oh! Kaso nakakahiya naman kay Aero. Kahit may sayad yan ay kaclose ko yan. Buong four years ko kasi sa high school, kaklase ko siya.

Shete. Kanino ba ako tatabi?

 

>>> Part 3 >>>

Part 1

Breeze

Hindi ako bitter.

Sa ganda kong ito, bakit ako mabibitter? Maputi ako, maitim siya. Matangkad ako, maliit siya. Matangos ilong ko, pango naman siya.

In short, maganda ako at chararat siya. So tell me, anong karapatan kong maging bitter kung ganito ako kadiyosa?

“Hoy, Bree. Alam kong hindi ka pa tapos laitin ‘yang si Krista pero magta-time na oh,” sabi sa akin ni Margo habang nilalapit sa mukha ko ang wrist watch niya. Grabe, kulang na lang isubsob sa mata ko.

“Oo na, tara na.” Niligpit na namin ang mga pagkain sa mesa at naglakad na paalis ng food court. Sumulyap ako nang isang beses sa gawi nina Krista kung saan nandoon din ang aking long time crush na si Storm.

Hmmp. Harutan pa more. Akala ko ba tag-ulan na? Taglandi pa rin pala. Che.

Tumingin din si Margo sa tinitingnan ko kaya napahagalpak siya ng tawa. “Okay lang ‘yan, friend! Marami pang isda sa dagat, hindi ka mauubusan. Hahaha!”

“Hipon kamo,” sabi ko sabay irap.

Dumiretso na kami sa classroom namin dahil matatapos na ang lunch break. Wait, makapagtweet nga. Nakaconnect naman ako sa pocket wifi ni Margo.

‘Lunch break nga natatapos, relasyon pa kaya? #whogoat’

Jusko. Malala na ako.

Pagdating sa room, magkatabi kaming naupo ni Margo dahil cheatmates―este seatmates kami. Kinuha ko ‘yung El Filibusterismo kong libro. May quiz daw kami sa Filipino at siyempre dahil dakilang estudyante ako, sa last minute ako magrereview. Buti nga nagrereview pa! ‘Yung iba kong kaklase, daig pa PLDT kung makasagap ng sagot tuwing may test.

“Guys ‘yung totoo? Nagtitipid ba tayo sa kuryente?” bulalas ng class president namin na si Ced.

“Breeze! Bukas mo nga ‘yung ilaw!” Naknang, nautusan pa ako. Bakit kasi ako pa ang malapit sa switch! Ayoko namang tumayo dahil ang komportable ng pagkakahilata ko sa upuan. Lazy sit ba, with de kwatro pa. Inabot ko na lang ‘yung walis tambo na malapit sa akin at ginamit iyon para ipress ang switch sa poste sa harap ko.

Tenenen. Edi bukas na ‘yung ilaw. Sisiw.

“Naggagalawang Breezy ka na naman!” sabi ni Margo kaya pareho kaming natawa.

* * * *

Normal naman ang maghapon ko. Quiz doon. Recitation dito. Pasimple rin akong natutulog kapag hindi ko na talaga keri ang antok. Ang boring naman kasi! Buti na lang nakita kong dumaan si Storm. Hindi kami magkaklase. Narra ang section ko samantalang siya, Kamagong.

Walang star section sa school namin pero shinashuffle ang students kaya iba-iba ang mga kaklase ko kada taon. Sinalo ko na yata lahat ng swerte sa mundo dahil buong high school life ko, hindi ko naging kaklase si crush. Hey Principal! I deserve an explanation! I need an acceptable reason!

Natigil ang pagdadrama ko nang may nagbato sa akin ng crumpled paper. Tumama sa ulo ko at putspa, ang sakit! May ginto yata iyon sa loob!

Pinulot ko ‘yung nakabilot na papel. Leche, medyo mabigat ha. Lumingon ako sa likod para gantihan ang balahurang nambato sa akin. Nakita ko naman agad si Aero na nakatingin habang nakapangalumbaba sa desk niya.

Ngumiti pa ang loko. Akala naman niya gwapo siya! Well, oo gwapo nga siya, cute―shems ano ba itong pinag-iiisip ko! Nagtataksil ako kay Storm!

“Buksan mo!” pabulong na sigaw ni Aero. Pabulong na sigaw? Srsly Bree?

“Ano ba ito?!” sabi ko naman. Naggesture lang siya na buksan ko kaya ginawa ko na lang.

Nang naalis ko na ‘yung nakabalot na papel, bumungad sa akin ang isang bato. Kaya pala ang sakit!

“Akin yan. Pero sa’yo na lang.” Kumindat pa ang siraulo. Inirapan ko naman siya and I mouthed, “Pakyu.” Version ko ng thank you.

Tumingin na ako sa harap at saka napangiti. Ang bakla kasi ni Aero. Bigyan ba naman ako ng bato! At hugis heart pa. Pinagtitripan na naman niya ako.

Magdudoodle na sana ako sa last page ng aking notebook nang mapansin ko si Storm. Nasa labas siya at nakatingin sa akin.

>>> Part 2 >>>